Una sa lahat kailangan natin ng
payo mula sa mga nakakatanda bago tayo gumawa ng desisyon. Sila ang magiging
gabay sa ating desisyong gagawin, kung ito ba ay makakabuti o hindi. Hindi
dapat natin sila pangunahan o wag muna tayo gumawa ng desisyon na sa tingin
natin ay walang magandang maidudulot. Sila ang magtuturo sa atin ng mali sa
tama. Kailangan din nating hingin ang kanilang payo sa ating desisyong gagawin.
Mahalagang sumangani tayo sa mga nakakatanda.
Mahalagang sumangani tayo sa mga
nakatatanda dahil malay natin naranasan na din nila ang ating nararanasan
ngayon. May sapat na silang kaalaman tungkol sa buhay. Napagdaanan na nila ang
ating nararanasan ngayon. Alam na nila ang tama sa mali, kaya magandang humingi
tayo sa kanila ng payo bago gumawa ng isang desisyon. Makakatulong sila sa atin
sa paggawa ng isang desisyon. Sila din ang magiging gabay natin sa buhay.
0 comments:
Post a Comment